^

Bansa

Taas pasahe sa jeep matatagalan

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Ipinahiwatig ng Land Transportation Franchi-sing Regulatory Board (LTFRB) na matatagalan pa bago sila makapagpatupad ng taas sa singil sa pasahe sa mga pampasaherong jeep sa Metro Manila.

Kahapon ng umaga, walang kinalabasan ang hearing na ginawa sa  LTFRB main office sa Quezon City na dinaluhan ng mga transport groups leader na si Zeny Maranan ng FEJODAP, Boy Vargas ng Altodap, Efren de Luna ng ACTO at Goerge San Mateo ng Piston gayundin ni 1Utak Chairman Vigor Mendoza.

Sa panayam, sinabi ni LTFRB Chairman Jaime Jacob, uupuan pa ng  LTFRB board ang usapin sa Enero 17 sa susunod na ling­ go upang madetermi­na ang pangangailangang maitaas ang pasahe sa mga passenger jeepney at tinanggap pa lamang ng ahensiya kahapon ang kaukulang mga data kung bakit nais nilang maipatupad ang 50 cents provisional increase sa pasahe sa jeep.

Anya, dahil baba taas ang presyo ng produktong petrolyo sa ngayon, ikukunsidera din nila sa kanilang pag-aaral ang punto kung ang mga jeepney operators ay nalulugi sa kanilang kita o kailangan lamang na magkaroon ng reporma sa transport industry.

Kailangan anyang hindi rin gaanong makaapekto sa maliliit na mamamayan ang anumang pagtataas sa singil sa pasahe sa mga pampasaherong jeep sa Metro Manila dahil mahirap ang buhay sa ngayon.

ALTODAP

BOY VARGAS

CHAIRMAN JAIME JACOB

CHAIRMAN VIGOR MENDOZA

GOERGE SAN MATEO

LAND TRANSPORTATION FRANCHI

METRO MANILA

QUEZON CITY

REGULATORY BOARD

ZENY MARANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with