^

Bansa

3 Chinese warships pumasok sa WPS, Phl nagprotesta

-

MANILA, Philippines - Sa kabila ng protesta ng gobyerno sa pa­ni­bagong insidente ng umano’y panghihimasok ng China sa teritoryong pag-aari ng Pilipinas, tiniyak ng Malacañang na hindi ito makakaapekto sa ugnayan ng dalawang bansa.

Sinabi ni Deputy Pre­sidential Spokesperson Abigail Valte na idudulog umano ng pamahalaan sa “proper forum” ang insidente.

Una rito, itinuring ni Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario na “serious concern” ang insidente na pagpasok ng tatlong Chinese navy ships sa territorial water ng Pilipinas noong nakaraang buwan.

Ang tinutukoy ng ka­li­him ay ang naiulat na sightings­ ng tatlong barko ng China sa Sabina Shoal sa bahagi ng West Phi­lippine Sea noong De­cember­ 11 at 12, 2011.

Ang Sabina Shoal ay matatagpuan sa la­yong 123.6 nautical miles mula sa Palawan at malinaw umanong nasasa­kupan ito ng soberenya at maritime jurisdiction ng Pilipinas.

Bukod sa Pilipinas bahagi rin ang China, Brunei, Malaysia, Taiwan at Vietnam sa mga bansang may inaangkin na teri­toryo sa rehiyon. (Rudy Andal/Ellen Fernando)

ANG SABINA SHOAL

DEPUTY PRE

ELLEN FERNANDO

FOREIGN AFFAIRS SEC

PILIPINAS

SABINA SHOAL

SHY

SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

WEST PHI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with