^

Bansa

Imbestigahan ang video nina Ramgen at Janelle-Bong

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Hiningi kahapon ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) upang makilala ang nag-upload sa internet ng intimate video ng kaniyang namayapang kapatid na si Ramgen Revilla at girlfriend nitong si Janelle Manahan.

Ang nasabing video ay kumalat umano sa internet noong nakaraang linggo.

“Sobrang pambababoy ang ginagawa nila sa kapatid ko. Karumal-dumal na nga ang pagkamatay ni Ramgen, sinisira pa nila ang pagkatao,” sabi ni Sen. Revilla.

“Mas grabe pa ang pambababoy na ginagawa nila kay Janelle. Grabe na ang kanyang pinagdaanan, at pilit pa nilang niyuyurakan ang pagkababae nito ngayon,”  dagdag pa nito.

Ayon kay Revilla, lumabag sa Anti-Voyeurism Law of 2009 (RA 9995) ang sinumang nagpakalat ng nasabing video.

Ang sinumang lumabag sa nasabing batas ay mapapatawan ng parusang pagkakulong ng hindi bababa sa tatlong taon pero hindi lalampas sa pitong taon at multang hindi bababa sa P100,000  pero hindi lalampas sa P500,000. 

vuukle comment

ANTI-VOYEURISM LAW

AYON

GRABE

HININGI

JANELLE

JANELLE MANAHAN

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

RAMGEN REVILLA

RAMON BONG REVILLA JR.

REVILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with