^

Bansa

Conviction ni Corona hinihingi ng prosecution team

- Nina Gemma Garcia at Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Hiniling kahapon ng prosecution team ng Kamara sa Senado na ipagpatuloy ang impeachment trial at hatulan si Supreme Court Chief Justice Renato Corona  sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso.

Isinumite ng prosecution team ang kanilang sagot sa kahilingan ni Corona na ibasura ang impeachment complaint na nakahain laban sa kaniya.

Ayon sa prosecution team, dapat ibasura ang kahilingan ni Corona at ipagpatuloy ang pagdinig upang mahatulan si Corona.

Sinabi pa ng prosecution team na ang impeachment trial ay hindi pag-atake sa hudikatura kundi kay Corona na nauna nang na-impeached sa House of Representatives.

“Corona is not immune from accountability. For all his self-serving, grandiose and arrogant claims, his impeachment is not an attack on the independence of the Judiciary, or the rule of law, or the system of checks and balances,” anang dokumentong isinumite ng  prosecution team.

Sinabi pa ng team na ang impeachment trial ni Corona ang sagot sa kagustuhan ng mga mamamayan na mapanagot ang chief justice sa kaniyang mga naging kasalanan.

“Corona’s impeachment is purely a response to the people’s clamor to hold him accountable for his sins and offenses, and purge the Highest Court of a morally unfit officer who has betrayed their trusts,” anang prosecution team.

Naniniwala din ang panig ng taga-usig na mas magiging matatag ang Supreme Court sa sandaling mawala na sa puwesto si Corona.

Itinanggi rin ng prose­cution team ang alegasyon ni Corona na ang impeachment trial ay kagagawan ni Pangulong Benigno Aquino III at ng mga kaal­yado nito sa Liberal Party.

“This impeachment is not the handiwork of President Aquino, the Li­beral Party and, much less, Justice (Antonio) Carpio and his ex-partners. The Impeachment Complaint was filed, and shall be prosecuted, by the sovereign Filipino people, acting through their directly elected representatives in Congress,”anang team.

Samantala, handang-handa na ang mga ebidensya at testigo ng prosecutors  mula sa Kamara de Representantes na magdidiin kay Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona para sa pagsisimula ng impeachment trial nito.

Sa isinumiteng sagot ng prosecutors sa Senado, kumbinsido ang mga ito na mapapanagot nila si Corona sa paglilitis.

Giit ni Iloilo Rep. Niel Tupas Jr., na siyang pinuno ng prosecution panel at Quezon Rep. Lorenzo Tañada III, handa na sila kaya’t dapat nang simulan ang pagdinig para sa kapakanan ng bansa at dapat din itong harapin ni Corona bilang isang public officials na may pananagutan sa konstitusyon.

Kumpiyansa naman ang mga mambabatas na ang mga ebidensya na kanilang ipiprisinta sa pagdinig ay sapat na upang mahatulan si Corona at mapatalsik sa puwesto.

Ang sagot ng prosecution panel ay kaugnay sa motion ni Corona sa Senado na magsagawa muna ng hearing upang masiguro na ang mga akusasyon laban sa kanya ay nasuri ng 188 na mambabatas na pumirma sa impeachment complaint.

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

CORONA

HIGHEST COURT

HOUSE OF REPRESENTATIVES

IMPEACHMENT

PROSECUTION

SENADO

SUPREME COURT

TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with