^

Bansa

Liga prexy umapela ng tulong sa bgy. officials sa Sendong victims

-

MANILA, Philippines - Hiniling ni Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri sa lahat ng opisyal ng barangay sa buong bansa na magbigay ng tulong sa mga naging biktima ng Bagyong Sendong sa Northern Mindanao at iba pang bahagi ng Kabisa­yaan.

Ang kahilingan na ito ni Echiverri sa mga opis­yal ng barangay sa buong Pilipinas ay upang agad na makabawi at ma­kaahon ang mga na­ ging bik­tima ni Sen­dong partikular na sa mga lugar ng Cagayan de Oro City at Iligan City.

Aniya, kung ang lahat ng opisyal ng barangay sa buong bansa ay magbibigay ng tulong sa mga biktima ni Sendong, malamang na marami ang tulong pinansiyal na maibibigay ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas sa mga sinalanta ng bagyo.

Unang nagbigay ng tulong si Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa mga sinalanta ng bagyo matapos itong mag-donate ng P1 milyon kasabay ng paghikayat sa mga miyembro ng League of City Ma­yors of the Philippines na mag-abot din ng kanilang tulong.

Inaasahan naman ni Councilor Echiverri na maraming mga kapwa nito opisyal ng barangay ang magbibigay ng kanilang tulong sa mga sinalanta ng bagyo dahil isa itong paraan ng pagbibigay sa araw ng Pasko.

BAGYONG SENDONG

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

COUNCILOR ECHIVERRI

COUNCILOR RICOJUDGE

ECHIVERRI

ILIGAN CITY

LEAGUE OF CITY MA

LIGA

NORTHERN MINDANAO

ORO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with