^

Bansa

Mga Pinoy kulang pa sa paghahanda sa kalamidad

Nina - Malou Escudero/Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Naniniwala si Sen. Loren Legarda na kulang pa sa paghahanda ang mga Filipino pagdating sa kalamidad.

Ayon kay Legarda, chairman ng Committee on Climate Change, walang saysay ang pagbibigay ng mga babala sa paparating na kalamidad sa bansa  kung wala namang kaukulang pagha­handa ang mga  tatamaan nito.

Naiwasan sana umano ang pagkasawi ng maraming mamamayan sa mga lalawigan na dinaanan ni Sendong sa Mindanao kung nagkaroon ng sapat na paghahanda lalo na ang lokal na pamahalaan.

Mismong mga residente aniya sa Iligan at Cagayan de Oro City ang nagsabi na wala silang natanggap na early war­ning o babala kaya’t nagulantang sila sa nangyari.

Kinuwestiyon din ni Legarda kung meron bang “climate war room” ang Malacañang kung saan ay nakaalerto ang lahat ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno kapag may kalamidad.

Kailangan na anyang humanap ang DSWD ng mga maaring temporary shelter na may mga nakahandang blanket, may malinis na tubig at palikuran na magagamit tuwing may kalamidad.

Samantala, inatasan ni Pangulong Aquino ang Budget department na dagdagan ng P150 milyon ang pondo ng Department of Science and Techno­logy para sa paglalagay ng 1,000 automatic water level sensor sa bansa para matulungan ang mga forecasters sa water level ng mga ilog.

AYON

CLIMATE CHANGE

DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNO

ILIGAN

KAILANGAN

LEGARDA

LOREN LEGARDA

ORO CITY

PANGULONG AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with