^

Bansa

Anti-Money Laundering Law humina, pinapaamyendahan

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Kinumpirma ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang nauna nang isiniwalat ni Sen. Franklin Drilon na ang paghina ng Anti-Money Laundering (AMLA) Law ang siyang dahilan upang makalusot sa kasong kriminal ang mga opisyal ng pamahalaan at opisyal ng Phillipine International Airport Terminal Corporation (PIATCO) na sangkot umano sa maanomalyang kontra ng pagpapagawa ng NAIA Terminal 3 gayundin ang iba pang kaso na hawak nito kaugnay sa pabaon system ng Armed Forces of the Philippines at ang kaso nina dating military comptroller General Carlos Garcia at Jacinto Ligot.

Ayon sa isang mataas na opisyal ng AMLC, tuluyang nakalusot sa kaso sina dating Transportation Secretary Pantaleon Alvarez, Transport Undersecretaries Primitivo Cal at Wilfredo Rivera sa maanomalyang kontrata ng PIATCO dahil sa naging desisyon ng Korte Suprema sa pamamagitan ni dating Associate Justice Dante Tinga na nagtakda na hindi maaari ang “ex parte” bank inquiry na siyang nagpahina sa anti-money laundering law.  

Habang isinusulong umano ng AMLC ang money laundering case sa mga opisyal ay matibay umano ang kanilang mga ebidensya subalit nabigo umano nang mabokya sa SC dahil sa desisyon na pinonente ni Tinga. Sa nasabing desisyon, sinabi ng mahistrado na kailangan munang dumaan sa hearing at idetermina ang probable cause ng judge bago mapayagan na makapagsagawa ng bank inquiry subalit bago pa man umano madetermina ang probable cause ay nai-withdraw na ang mga bank deposits sa kuwestiyunableng bank accounts.

Bunga nito nanawagan ang AMLC sa Senado na agad nang amyendahan ang AMLA at kanila umanong pag-aaralan kung maaari pang habulin ang mga nasabing opisyal na sangkot sa PIATCO mess.

vuukle comment

ANTI-MONEY LAUNDERING

ANTI-MONEY LAUNDERING COUNCIL

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ASSOCIATE JUSTICE DANTE TINGA

GENERAL CARLOS GARCIA

JACINTO LIGOT

KORTE SUPREMA

PHILLIPINE INTERNATIONAL AIRPORT TERMINAL CORPORATION

TRANSPORT UNDERSECRETARIES PRIMITIVO CAL

TRANSPORTATION SECRETARY PANTALEON ALVAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with