^

Bansa

13th Month ng SSS pensioners, inilabas na

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Ibinalita kahapon ng Social Security System (SSS) na pwede ng i-claim ng kanilang mga parokyano ang kanilang 13th month pension.

Sa pahayag ni SSS Vice President for Benefits Program Management Division Agnes E. San Jose sa programang Talking Points na inorganisa ng Philippine Information Agency (PIA), umabot sa P10 bilyon ngayong taon ang kanilang inilaan para maisakatuparan ang taun-taong pamamahagi ng 13th month sa kanilang mga miyembrong pensyonado.

“Pwede na nilang ma­kuha ang kanilang 13th month pension sa mga bangkong accredited ng SSS kasabay na rin ng kanilang December pension,” ani San Jose.

Maging ang ilang pensyonado ng SSS na nag-advance o bumale ng 18 months sa kanilang buwanang pensyon ay pwede pa ring makatanggap ng naturang 13th month pension na maaari nilang makuha sa ikalawang linggo ng Disyembre.

BENEFITS PROGRAM MANAGEMENT DIVISION AGNES E

DISYEMBRE

IBINALITA

KANILANG

PHILIPPINE INFORMATION AGENCY

PWEDE

SAN JOSE

SOCIAL SECURITY SYSTEM

TALKING POINTS

VICE PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with