^

Bansa

P.5M reward ibinigay na ni Bong

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Inendorso na ni Sen. Ramong “Bong” Revilla Jr. kay Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jessie Robredo ang P500,000 reward money na inalok nito para sa ikalulutas ng kaso ng pagpatay sa kanyang half-brother na si Ramgen Revilla at sa girlfriend nitong si Janelle Manahan noong Oktubre 28.

Ayon kay Sen. Revilla, bahala na umano si Robredo sa pera na galing sa sariling bulsa ng senador kung kanino karapat-dapat na ibigay ang reward money.

Tinukoy naman ng PNP na ang tatanggap ng pabuya ay ang star witness na si Ruel Puzon, ang nagturo sa magkapatid na Ramon Joseph at Ramona na umano’y utak sa pagpatay sa kanilang kuya na si Ramgen.

Lumilitaw naman na tila kumbinsido na umano si Revilla sa resulta ng imbestigasyon ng mga pulis matapos ibigay ang pabuya. Pero giit ng spokesman ni Revilla na si Atty. Jefrrey Zarate na hindi pa rin ito nangangahulugan na kuntento na sila sa resulta ng imbestigasyon ng pulis.

Samantala, inihahanda na ng pulisya ang kasong obstruction of justice kay Ramona bukod pa sa murder at frustrated murder dahil sa pagsisinungaling sa mga pulis. Itinakda sa Nob. 16 ang arraignment o pagbasa ng sakdal kay Joseph habang binigyan ng hanggang Nob. 18 si Ramona para sumipot sa piskalya.

vuukle comment

JANELLE MANAHAN

JEFRREY ZARATE

JESSIE ROBREDO

RAMGEN REVILLA

RAMON JOSEPH

RAMONA

REVILLA

REVILLA JR.

RUEL PUZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with