PANOORIN: Romualdez humaharap sa plunder kaugnay ng kickbacks sa flood control
MANILA, Philippines — Humaharap si dating House Speaker Martin Romualdez sa kasong plunder matapos maghain ang Office of the Ombudsman ng kaso laban sa kanya nitong September 7 kaugnay ng umano’y bilyon-bilyong pisong kickback sa mga flood control project.
Ayon sa Ombudsman, isa umano si Romualdez sa mga “central figure” sa nasabing scheme.
Kabilang sa mga ebidensiyang sinuri ng Ombudsman ang testimonya ng ilang dating security personnel ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.
May ilan sa mga testigo na kalaunan ay binawi ang kanilang mga pahayag.
Nauna nang itinanggi ni Romualdez ang anumang maling gawain.
- Latest


















