Legarda naghain ng bagong medical leave
MANILA, Philippines — Pinahaba pa ni Sen. Loren Legarda ang kanyang medical leave, mula Setyembre 7-9 at Setyembre 14-16, ayon kay Senate Secretary Renato Bantug.
“Yes. For Sept 7-9 and 14-16,” sabi ni Bantug sa kanyang text message sa mga reporter.
Unang naghain si Legarda ng medical leave noong Agosto 3-5 at magmula noon, pinahaba pa niya ito kada Lunes hanggang Miyerkoles ng sumunod na mga linggo.
Kinumpirma rin ng ilang senador mula sa mayorya na nagpapagamot si Legarda dahil sa nararanasang problema sa baga.
Ayon kay Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri, seryoso ang problemang medical ni Legarda.
Kinumpirma rin na nasa Europa si Legarda kasama ang anak na si Batangas Rep. Leandro Leviste.
- Latest
























