^

Bansa

Pang-7 bilyong baby pakana ng UN -- Obispo

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Naniniwala si Palawan Bishop Pedro Arigo na pa­kana lamang ng United Nations (UN) ang seven billion baby na isinilang sa Pilipinas para himukin ang mga Filipino na suportahan at isabatas ang Reproductive Health bill.

Ayon kay Arigo, ginagamit lamang umano ng UN Population Control Program ang isang sanggol na isinilang sa Fabella Hospital na sinasabing pang-pitong bilyong tao sa mundo upang hikayatin ang mga Filipino na maisabatas ang RH bill sa bansa.

Giit ng Obispo, hindi populasyon ang dahil ng pagkagutom ng maraming tao sa mundo kundi ang hindi pantay na pamamahagi ng yaman ng mundo at ang pagiging ganid sa kapangyarihan ng mga namumuno.

Sinabi pa ni Arigo na mind setting ang ginagawa ng UN upang ipakita na 7 bilyon na ang tao sa mundo at over populated na.

Malinaw anya ang turo ng Simbahang Katolika na dapat pahalagahan ang buhay at hindi dapat na supilin­ ang populasyon.

ARIGO

AYON

FABELLA HOSPITAL

GIIT

MALINAW

PALAWAN BISHOP PEDRO ARIGO

POPULATION CONTROL PROGRAM

REPRODUCTIVE HEALTH

SIMBAHANG KATOLIKA

UNITED NATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with