^

Bansa

DFA: Ramona mae-extradite

- Nina Ellen Fernando at Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Maaaring mapabalik sa bansa si Ramona “Mara” Bautista, isa sa suspek sa pagpatay sa nakatatandang kapatid na si Ramgen “Ram” Bau­ tista (Revilla) sa pamamagitan ng “extradition treaty” o ang umiiral na bi­lateral o multilateral ag­reement sa pagitan ng Pilipinas at sa mga bansang hinihinalang pinagtataguan nito ngayon.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), may umiiral na extradition treaty sa pagitan ng Pilipinas at Hong Kong na unang pinuntahan ni Ramona subalit wala pang extradition agreement ang pamahalaan sa Turkey na hinihinalang huling destinasyon nito.

Sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez na maaari ring kanselahin ng DFA ang hawak na pasaporte ni Ramona kapag nagpalabas na ng court order upang hindi ito maka­pag­lipat-lipat ng bansang gusto nitong pagtaguan. 

Tiniyak ni Hernandez na gagawin ng DFA ang tungkulin nito upang atasan ang Philippine Consulate sa HK at Embahada ng Pilipinas sa Turkey sa paghahanap kay Ramona sakaling may kautusan nang magmumula sa korte.

Gayunman, ipinaliwanag ni Hernandez na bagaman wala pang umiiral na extradition treaty sa pagitan ng Pilipinas at Turkey, ma­aari pa ring mapabalik si Ramona sa pamamagitan ng diplomatic channel base sa ipapalabas na “arrest warrant” ng korte na siyang isisilbi ng International Police laban kay Ramona sa pakiki­pag-koordinasyon ng De­partment of Justice­ at National Bureau of Investigation sa DFA na siyang makikipag-ugna­ yan naman sa Turkish govern­ment.

Magugunita na lihim na pumuslit nitong Biyernes ng gabi si Ramona patungong HK at hinihinalang dumiretso sa kanyang mister sa Turkey.

Kahapon nagpahayag naman ang ina ni Ra­mona si Genelyn Magsaysay na nangangamba umano sa kanyang kalig­tasan si Ramona kaya na­gawa niyang umalis sa bansa at hindi para takasan ang kanyang kaso.

Samantala, muling hi­namon ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ang dating aktres na si Genelyn na pabalikin sa bansa ang anak na si Ramona.

Ayaw na ring patulan ni Bong ang akusasyon ni Genelyn na ginagamit lamang nito ang kontro­bersya sa pagkamatay ng half-brother na si Ramgen bilang publicity sa darating na eleksyon.

Dapat umanong hara­pin na lang ni Magsaysay ang katotohanan at ma­natili lamang sa Pili­pinas si Ramona kung hindi ito guilty sa kabila ng pagkakasangkot sa kasong pagpatay sa sariling kapatid.

Una rito, naglabas ng bagong statement ang dating aktres kung saan muli nitong pinasaringan ang senador.

Ayon kay Genelyn, wala pang korte na humahawak sa kaso kaya wala pang nakababang warrant of arrest sa kanyang anak.

Binigyang diin ng ina ni Ramona na sana ay huwag gamitin sa pub­ li­city ang pagkamatay ng anak na si Ramgen.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

FOREIGN AF

GENELYN

GENELYN MAGSAYSAY

HERNANDEZ

PILIPINAS

RAMGEN

RAMONA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with