^

Bansa

NBI umiskor sa entrapment

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Isang mataas na opisyal ng Bureau of Immigration (BI) ang hinuli ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang entrapment operation kamakailan dahil sa reklamong umano’y extortion.

Kinilala ang opisyal na si Atty. Marcelino Tolentino, legal officer ng BI at sinasabing kapo-promote pa lang umano.

Inilatag ng NBI anti-illegal drugs ang entrapment laban kay Tolentino bunsod ng sumbong ng isang Indian national ng umano’y pang-e-extort sa kanya ng nasabing opisyal.

Gayunman, tila itinago umano sa media ang insidente matapos hindi mapaulat sa kahit anong pahayagan o maging sa radyo at telebisyon ang pagkakaaresto kay Tolentino. Pinangangambahan tuloy ng ilang concerned BI employees ang posibleng cover-up at pagluto sa kasong kinasasangkutan nito dahil sa tila pananahimik umano ng pamunuan ng BI.

Bunsod nito, inutos na ni Immigration Commissioner Ricardo David Jr., ang malalimang imbestigasyon dahil maaaring napasok na ng sindikato ng human smuggling ang ahensiya.

Tiniyak naman ng pamunuan ng BI na wala silang sasantuhin sa kampan­ya ng pamahalaan laban sa human traffic­king, kahit sino pang ‘may malakas na kapit’ ang masagasaan.

BUNSOD

BUREAU OF IMMIGRATION

GAYUNMAN

IMMIGRATION COMMISSIONER RICARDO DAVID JR.

INILATAG

ISANG

KINILALA

MARCELINO TOLENTINO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with