^

Bansa

Mag-asawang Ligot nasa bansa lang-DOJ

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na hindi pa umano nakakalabas ng bansa sina dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Comptroller Jacinto Ligot at misis nitong si Erlinda.

Ang paniniyak ay ginawa ni Justice Secretary Leila de Lima, batay sa report ng Bureau of Immigration na nasa Pilipinas lamang ang mag-asawang Ligot.

Ang mag-asawang Ligot ay pinagha­hanap ng mga awtoridad sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Court of Tax Appeals (CTA) dahil sa patung-patong na mga tax evasion cases.

Una na ring ipinag-utos ni Sec. De Lima sa National Bureau of Investigation (NBI) ang manhunt operation laban sa mag-asawa.

Maging ang Philippine National Police at iba pang law enforcement agency ay bumuo na rin ng tracking team laban sa dalawa.

Nagbabala rin ang Malacañang sa mga posibleng nagkakanlong sa mag-asawang Ligot na mahaharap ang mga ito sa kasong obstruction of justice at harboring of criminals.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BUREAU OF IMMIGRATION

COMPTROLLER JACINTO LIGOT

COURT OF TAX APPEALS

DE LIMA

DEPARTMENT OF JUSTICE

JUSTICE SECRETARY LEILA

LIGOT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with