Hontiveros, kinondena umano’y banta ng Chinese envoy
MANILA, Philippines — Kinondena ni Senadora Risa Hontiveros ang napaulat na pahayag ng ambassador ng China na nagsabing madaling mananaig ang Beijing sakaling makalaban ang Pilipinas.
Ayon kay Hontiveros, isa itong anyo ng pananakot o “gray zone aggression” na nakabalot lamang sa diplomatikong pananalita.
Iginiit ng senador na walang anumang banta ang makapagpapasuko sa Pilipinas sa pagtatanggol ng mga karapatan nito sa legal at demokratikong paraan.
Aniya, hindi nararapat para sa isang ambassador na magbanta sa host country nito.
Bukod sa pagpapatawag sa Chinese envoy, sinabi ni Hontiveros na dapat igiit ng gobyerno ang pagbawi sa pahayag at paghingi ng tawad ng Beijing, kung hindi ay maaari itong ideklarang persona non grata.
Nanawagan din siya na dalhin ng Pilipinas ang usapin sa ASEAN at United Nations General Assembly.
- Latest

















