^

Bansa

Senior Citizen Party-list iginiit 20% discount kahit may promo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iginiit ng Senior Citizen Party-list na dapat pa ring maibigay sa mga nakatatanda ang 20 porsiyentong diskuwento at VAT exemption kahit may promotional offers ang mga establisimyento.

Ayon kay Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes, hindi dapat ipalit sa benepisyong itinatadhana ng batas ang mga promo dahil bukas ang mga ito sa lahat ng mamimili, anuman ang edad.

Aniya, layunin ng batas na magbigay ng karagdagang ayuda sa mga senior citizen at hindi lamang ng parehong presyong tinatamasa ng ibang mamimili.

Dahil dito, isinusulong ni Ordanes ang House Bill No. 428 na naglalayong tiyakin na matatanggap ng mga senior citizen at persons with disabilities (PWDs) ang kanilang 20 porsiyentong diskuwento kahit may umiiral na promo.

Ang panawagan ay kasunod ng desisyon ng Korte Suprema noong Oktubre 14 na pumabor sa isang hotel sa Bacolod City na nagsabing nabigyan na ng katumbas na 20 porsiyentong diskuwento ang dalawang senior citizen sa pamamagitan ng negotiated room rate para sa kanilang grupo.

Nilinaw ng Korte Suprema na hindi maaa­ring ipatong ang panibagong 20 porsiyentong diskuwento kung nakatanggap na ng katumbas na bawas-presyo. Maaari umanong pumili ang senior citizen ng promo discount o ng diskuwentong itinakda ng batas, depende kung alin ang mas makatitipid.

Samantala, hiniling ni Ordanes sa Korte Suprema na linawin pa ang saklaw ng desisyon upang maiwasan ang iba’t ibang interpretasyon at matiyak na mananatiling protektado ang mga benepisyo ng mga nakatatanda.

SENIOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with