Mobile passporting sa Caloocan
MANILA, Philippines - Hindi na mahihirapan pa ang mga residente ng Caloocan City sa pagkuha ng kanilang pasaporte matapos na ikasa sa lungsod ang mobile passporting bilang isa sa mga regalo ni Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa pagdiriwang nito ng kanyang kaarawan.
Ayon kay Echiverri, nagsimula ang pagsusumite ng aplikasyon sa pagkuha ng pasaporte noong Oktubre 3, 2011 at magtatapos sa Nob. 3, 2011 kung saan ay kinakailangan lamang dalhin ng mga interesadong aplikante ang kanilang papeles sa Civil Registry Department (CRD) na matatagpuan sa Caloocan City Hall.
Ang mga kailangang dokumento sa pagsusumite ng aplikasyon para sa passport ay birth certificate (National Statistic Office copy), valid identification card, marriage contract para sa mga may asawa na kailangan ding nagmula sa NSO at iba pang patunay ng pagkakakilanlan. Ang mga aplikasyon ay agad dadalhin sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa Pasay City para sa evaluation sa lahat ng papeles ng mga aplikante.
- Latest
- Trending