^

Bansa

'Angry birds' sumugod sa Aguinaldo

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Daan-daang ‘angry birds’ na pinaniniwalaang itinaboy ng magkakasunod na bagyong Pedring at Quiel ang mistulang lumusob kahapon sa Camp Aguinaldo.

Gayunman, sa halip na armas ay mga camera ang isinalubong ng tuwang-tuwang mga sundalo at kanilang mga pamilya sa mga ibong tagak na puti na kinunan pa nila ng larawan.

Ang nasabing mga ibon ay halatang gutom na gutom na naghahanap ng makakain sa damuhan ng parade ground ng Camp Aguinaldo.

Nagliparan rin ang mga ito sa mga puno sa kampo na napapalibutan ng maraming punongkahoy na nakapagbibigay halina sa mga ibon.

Pinaniniwalaan naman ng mga opisyal ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at Armed Forces of the Philippines na ang nasabing mga ibon ay nabulabog mula sa Candaba swamp sa Pampanga.

Ang Pampanga ay kabilang sa mga dumanas ng grabeng pagbaha dulot ng maakasunod na bagyong Pedring at Quiel.

Ipinagbawal naman ng mga sundalo sa mga natutuwang mga sibilyan na hulihin ang mga binansagan nilang ‘angry birds’ dahil kabilang ang mga ito sa itinuturing na ‘endangered species’ ng Department of Environment and Natural Resources.

ANG PAMPANGA

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CAMP AGUINALDO

CANDABA

DAAN

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

PEDRING

QUIEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with