^

Bansa

Pinsala ni Ondoy lalagpasan ni Pedring

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Posibleng malagpasan pa ng bagyong Pedring ang delubyo ni supertyphoon Ondoy sa napinsalang mga imprastraktura at agrikultura sa bansa.

Sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na masyado umanong maraming mga tulay at mga kalsada ang sinalanta at tuluyang winasak ng bagyong Pedring sa 34 lalawigang hinagupit nito.

Sa apat na rehiyon lamang sa Luzon ay nasa 68 tulay at mga daan ang sinira ni Pedring kabilang ang anim sa Ilocos, 31 sa Cagayan Valley, 18 sa Central Luzon at 13 sa Cordillera na pawang hindi pa madaanan sa kasalukuyan.

Si Ondoy na nagdulot ng grabeng pagbaha sa Metro Manila at mga karatig lalawigan noong Setyembre 26, 2009 ay nag-iwan ng P10.9 bilyong pinsala habang nasa 464 katao naman ang nasawi.

Ayon kay Ramos, ba­gaman mas higit na maliit ang bilang ng mga nasawi kay Pedring na nasa 56 death toll na sa kasalukuyan dahil sa nakapaghanda ang mga tao ay mas grabe ang napinsala sa agrikultura at imprastraktura.

Nasa P8.8 bilyon na sa kasalukuyan ang pinsala ni Pedring sa imprastraktura at agrikultura na patuloy na tumataas dahil marami ring nasirang mga fishpond at livestocks.

Samantala, tumaas na sa 9 katao ang nasawi sa bagyong Quiel na ang mga lugar na hinagupit ay ang sinalanta at winasak na ni Pedring.

AYON

CAGAYAN VALLEY

CENTRAL LUZON

ILOCOS

LUZON

METRO MANILA

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

PEDRING

SI ONDOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with