Police commandos isinabak vs kidnapping
MANILA, Philippines - Dahil sa serye ng kidnapping for ransom sa Central Mindanao, idineploy ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Nicanor Bartolome ang mga police commandos na susupil sa karahasan sa lugar.
Naalarma ang pulisya sa sunud-sunod na kaso ng kidnapping partikular na sa Cotabato City at Marawi City na kinasasangkutan umano ng Pentagon nitong mga nakalipas na linggo bunsod upang muling buhayin ang PNP-AFP Task Force Ranao.
Sinabi ni Bartolome na ang mga police commandos o elite forces ng PNP ay mula sa Special Action Force at Regional Public Safety Battalion ng Police Regional Office (PRO) 12 at ARMM na makakatuwang ng Philippine Army sa pagdurog sa nalalabi pang grupo ng mga kidnap for ransom gang na nag-o-operate sa rehiyon.
Sinabi ni Bartolome na nagsilbi ng 11 taon sa combat operation noong junior officer pa ito sa Central Mindanao na ang Joint PNP-AFP Task Force Ranao ay patunay lamang sa determinadong misyon ng mga awtoridad para sa kapayapaan at kaayusan sa Mindanao.
- Latest
- Trending