Refund sa sobrang singil sa tubig, hiniling
MANILA, Philippines - Umapela ang isang kongresista kay Pa ngulong Noynoy Aquino na simulan na ang pagrerefund sa mga consumers sa sobang singil ng dalawang private consessionaires ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa loob ng 11-taon.
Kasabay nito ay hinamon rin ni Bagong He nerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy si Justice Secretary Leila de Lima na ipagharap ng kaso ang mga dati at kasalukuyang mga opisyales ng MWSS.
Kabilang sa tinutukoy ni Herrera-Dy ang mga opisyales na sangkot sa umanoy maanomalyang conversion ng equity sa Maynilad Water Services Inc. ng isa sa dalawang concessionaires nito sa halagang P8.5 bilyong pagkakautang sa MWSS.
Paliwanag ng kongresista, base sa pagsisiyasat ng House Committee on Good Government natuklasan na sobra-sobra ang ipinapataw na singil sa tubig ng Manila Water Company at Maynilad.
Pinababalik nito sa Maynilad at Manila Water sa publiko ang mahigit sa P1-B na nakolekta nito sa hindi naiimplementang water at sewerage improvement projects.
Nabatid na sa sinisingil na P7.21 ng Maynilad at P4.02 sa MWC noong 1997, ay umakyat sa kasalukuyan ang water rates per cubic meter sa halagang P33.32 at P30.34, ayon sa pagkakasunud-sunod.
- Latest
- Trending