^

Bansa

Publiko pinag-iingat vs bronchopneumonia

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa sakit na bronchopneumonia na na­ngungunang sakit na ikinamamatay ng mga batang may edad limang taon pababa.

Ayon sa DOH, nagsisimula nang dumami ang mga naka-confine na mga bata sa sakit na ito sa iba’t ibang ospital.

Sinabi ni Dr. Eric Tayag, tagapagsalita ng DOH, dapat bantayan ang mga batang inuubo at sinisipon lalo na kung hirap na sila sa paghinga, maingay ang paghinga at nangingitim ang labi.

Bilangin din ang paghinga dahil kapag lumampas na ito sa 40 sa loob lamang ng isang minuto, dapat daw dalhin na sa ospital ang bata.

Paliwanag pa ni Tayag, naipapasa ang sakit na bronchopneumonia sa pamamagitan ng droplets kaya importanteng laging malinis ang mga kamay. Dumarami aniya ang kaso nito tuwing malamig ang panahon.

Huwag ding hayaan natutuyuan ng pawis ang likod ng mga bata.

AYON

BILANGIN

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. ERIC TAYAG

DUMARAMI

HUWAG

PALIWANAG

PINAG

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with