^

Bansa

P-Noy, malakas pa rin sa mga Pinoy

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Umakyat sa 77 percent o tumaas ng 6 percent ang satisfaction ra­ting ni Pangulong Noynoy Aquino at umabot naman sa 75 percent o tumaas ng 4 percent ang trust rating nito sa nakalipas na tatlong buwan.

Sa latest “ulat ng Bayan survey” na isinagawa ng Pulse Asia mula Agosto 20 hanggang Setyembre 2, 2011 lumilitaw na kumbinsido ang mamamayang Pilipino sa pagpupursigi ng pamahalaan na mapaganda ang kundisyon ng pamumuhay ng taumbayan.

Sa survey, lumalabas na tanging isa lamang sa 10 Pilipino ang hindi pa kuntento sa performance ni Pangulong Aquino.

“While President Aquino’s overall approval and trust ratings go up by 6 and 4 percentage points, respectively, between May and August 2011, these changes fall short of being significant given the survey’s overall error margin of +/– 3 percentage points,” dagdag pa nito.

Kaugnay nito, nagpahayag naman ng pasasalamat ang Malakanyang sa naging pagtaas ng  approval at trust ra­tings ni Aquino matapos ang isang taon sa panu­nungkulan na nagpapakita lamang na may malaki silang paniwala sa liderato ng kanyang administrasyon.

“It is an affirmation that more than a year into the current administration, the people’s faith in their leadership has not wavered, and has in fact become stronger,” pahayag ni Presidential spokesman Edwin Lacierda.

Kaugnay nito, nangako naman si Lacierda na higit pang pagbubutihin ng pamahalaan ang pagkakaloob ng mahusay na serbisyo sa taumbayan para sa kapakinaba­ngan ng lahat ng mamamayang Pilipino.

AGOSTO

AQUINO

EDWIN LACIERDA

KAUGNAY

MAY AND AUGUST

PANGULONG AQUINO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PILIPINO

PULSE ASIA

WHILE PRESIDENT AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with