^

Bansa

500 trabaho puwedeng aplayan ng Pinoy nurses, caregivers sa Japan

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Umaabot sa may 500 trabaho sa Japan ang pwedeng aplayan sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Ito ang nabatid sa POEA, kung saan magpapadala sila ng panibagong batch ng 500 Pinoy nurses at caregivers sa ilalim ng Japan-Philippine Economic Partnership Agreement (JPEPA).

Bagama’t magi­ging assistant muna ang mga Pinoy nurse na ipadadala sa Japan habang pinaghahandaan nila ang pagkuha ng Japanese Licensure Exam para maging registered nurse doon, sasahod din sila ng hanggang 200,000 yen o katumbas ng nasa P100,000 kada buwan.

Kwalipikado sa nasabing posisyon ang mga graduate ng Bachelor of Science in Nursing, may board license, may tatlong taong work experience sa ospital at mayroong malusog na pangangatawan.

Sa Nobyembre magsisimula ang screening ng POEA sa mga aplikante.

Ipinayo naman ng POEA na mag-apply online sa pamamagitan ng www.poea.gov.ph at www.eregister.poea.gov.ph dahil mas madali ito lalo na para sa mga taga-probinsiya.

BACHELOR OF SCIENCE

BAGAMA

IPINAYO

JAPAN-PHILIPPINE ECONOMIC PARTNERSHIP AGREEMENT

JAPANESE LICENSURE EXAM

KWALIPIKADO

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

PINOY

SA NOBYEMBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with