Appointees ni PNoy, political accomodations
MANILA, Philippines - Ipinahayag ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na pawang mga political accommodations ang mga itinatalaga ni Pangulong Aquino sa kanyang mga gabinete.
Ito’y matapos ang pagkakatalaga kay Nerius Acosta bilang Presidential Adviser on Environment Protection at ang napaulat na pagtatalaga kay dating Akbayan Rep. Riza Hontiveros bilang Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at si dating Rep. Ruffy Biazon na umano’y papalit sa sinibak na si Customs Commissioner Angelito Alvarez.
Ayon kay Cruz, ang tatlo ay mga natalong Senador noong 2010 elections at kilalang mga kaalyado ni Pangulong Aquino.
Kaugnay nito, kinuwestiyon din ni Cruz ang credentials o kakayahan ng naturang mga kaalyado ni PNoy na pamunuan ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan.
“Of course that’s political accommodation. There is no other explanation! Hindi naman sa ayaw kung buksan ang isip ko pero frankly, what are the credentials of those people to handle those offices? Hindi ko sila minamaliit pero hopefully they will qualify for the office!,” ani Archbishop Cruz.
- Latest
- Trending