LPA namataan ng PAGASA
MANILA, Philippines - Isang namumuong sama ng panahon ang sinusubaybayan ngayon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration na maaring pumasok sa ating bansa.
Ayon sa PAGASA, ang low-pressure area ay namataan 600 kilometro sa silangan ng Visayas ganap na alas-2 ng madaling-araw.
Malaki anya ang tsansa na maging bagyo ang nasabing LPA pagsapit ng Martes o Miyerkules.
Sa sandaling makapasok na ang LPA sa bansa ay tatawagin itong “Mina.”
Sa ngayon wala pa umanong direktang epekto ang LPA sa ating bansa.
- Latest
- Trending