Bibitaying Pinoy sa Saudi muling umapela kay Aquino
MANILA, Philippines - Muling umapela kahapon kay Pangulong Aquino ang OFW na nakatakdang pugutan ng ulo sa Saudi Arabia upang masagip siya sa kamatayan sa pamamagitan ng pagkalap ng P35 milyong diyya o blood money kapalit ng kanyang kalayaan.
Ayon kay Rogelio “Dondon” Lanuza, 34, na nagpahatid ng kanyang panawagan sa pamamagitan ng overseas call mula sa Dammam Central jail sa Saudi, nagmamakaawa siya sa Pangulo na matulungan siyang mailigtas sa bitay at mapalaya.
Ayon kay Lanuza, tanging ang kanyang pamilya ang naglilikom ng pera na umaabot pa lamang sa P200,000.
Sinabi ni Lanuza na nagkaroon ng pagpupulong mula sa tatlong partido na kinabibilangan ng mga kinatawan ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang Saudi Reconcilliation Committee at ang pamilya ng biktima noong Pebrero 2011. Dito unang ipinangako ng pamahalaan na maibibigay sa loob lamang ng 15 araw sa aggrieved party ang P35 milyon blood money kapalit ng pagpapatawad kay Lanuza.
Bagaman nagbigay na ng liham si Foreign Affairs Usec. Rafael Seguis kay Pangulong Aquino para sa kakailanganing blood money subalit hanggang ngayon ay wala pa ring aksiyon ang pamahalaan.
- Latest
- Trending