Pondo sa condom, pills ilaan sa gamot vs dengue
MANILA, Philippines - Sa halip na pondohan ang mga condom at pills, dapat na ilaan na lamang ng Department of Health (DOH) ang budget sa pagbili ng mga gamot para sa mga dengue patients.
Ayon kay Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez-vice chairman CBCP-NASSA, mali ang prayoridad ng DOH sa kanilang pondo dahil inuuna pa ang pagbili ng kasalanan tulad ng condoms at pills.
Aniya, nakakalungkot lamang at ang dagdag na pondo ng DOH ay mapupunta lang sa pagbili ng mga contraceptives na hindi na pangunahing kailangan sa panahon ngayon.
Mas dapat anyang pinagtutuunan ang pagtaas ng bilang ng mga dengue patients at ang kakulangan ng mga kama sa mga pampublikong ospital.
Maging sa mga lalawigan ay marami ng namamatay sa dengue at malnourished na dapat na unahin ng Kagawaran.
Hindi naman umano lahat ay nangangailangan ng contraceptives kumpara sa mga nagkakasakit dulot ng panahon at insekto.
- Latest
- Trending