Cha-cha umusad na sa Kamara
MANILA, Philippines - Binanatan ni Gabriela Partylist Rep. Luzviminda Ilagan ang pakay ng mga kasamahang kongresista sa pagsusulong ng Charter Change o Cha-Cha.
Sa pag-usad ng panukala sa House Committee on Constitutional Amendments sa pamumuno ng chairman nito na si Misamis Occ. Rep. Loreto Ocampos, inilatag muna nito ang pitong ‘economic amendments’ na nakasaad sa bagong mukha ng ng cha-cha, na tumatarget sa foreign direct investors.
Kabilang dito ang pag-alis sa 60 hanggang 80 percent ng equity limitations para sa mga foreign investor; pagtanggal sa paglimita sa mga kumpanya sa mga Pilipino lamang; malayang paggamit ng mga banyagang mamumuhunan sa natural resources ng bansa; pagpapahintulot sa mga ito na mag-ari ng mga industrial lands; pagpasok ng mga media foreign entities sa local media; pagpapapasok ng mga foreign professionals at pagpapahintulot sa pag-iinvest sa mga eskwelahan sa bansa.
Kinuwestiyon ni Ilagan kung paano magbebenepisyo ang Pilipinas sa mga naturang hirit.
- Latest
- Trending