^

Bansa

Rider groups humingi ng malasakit, katarungan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umapela ang dalawang pangunahing grupo ng mga motorcycle­ ­rider sa Motorcycle Taxi Technical Working Group (MCT-TWG) na isaalang-alang ang epekto ng mga polisiya nito sa buhay ng mga commuter at rider, habang pinagdedesisyunan ang apela ng Move It na bawiin ang kautusang nagbabawas ng kalahati sa fleet ng motorcycle taxi platform.

Kasalukuyang dinidinig ng MCT-TWG ang motion for reconsideration at supplemental appeal ng Move It upang baligtarin ang naunang kautusan nitong Abril, na maaaring magresulta sa pagkawala ng trabaho ng humigit-kumulang 14,000 riders sa Metro Manila, Cebu, at Cagayan de Oro.

Giit ng Move It, ginawa ang desisyon nang wala umanong due process at nakabatay sa luma nang datos.

Ayon kay Andie Delos Santos, tagapagsalita ng United Motorcycle Community, hindi simpleng usapin ng pagsunod ang pinag-uusapan.

“Totoong tao ang pinag-uusapan dito, ­hindi numero. Mga tatay, mga kapatid, mga breadwinner ng kani-kanilang pamilya. Umaasa sila sa Move It para kumita at mapakain ang kanilang pamilya at paaralin ang kanilang mga anak. May tiwala kami na gagawin ng ­gobyerno hindi lang ang legal, kundi ang tama,” ani Delos Santos.

Nagpahayag din ng saloobin si Romeo Mag­lunsod, chairman ng Motorcycle Taxi Community, at iginiit na tila laging Move It ang tina-target ng mga grupong walang malasakit sa mga rider.

“Bakit ganu’n? Kung mawalan ba kami ng trabaho, sila ba (ang) magpapakain sa mga pamilya namin? Sila ba (ang) magbabayad ng tuition ng mga anak namin? Obvious naman na wala silang pakialam sa kapakanan ng mga apektadong driver,” lahad ni Maglunsod.

Dagdag pa ni Delos Santos, hindi lang ang mga rider ang tatamaan kung hindi papanigan ng TWG ang Move It, kundi pati na rin ang mga ordinaryong pasahero.

GROUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with