Año ligtas sa sibakan

MANILA, Philippines — Mananatili sa puwesto si National Security Adviser Eduardo Año.
Ito ang sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang sa gitna ng nagpapatuloy na evaluation sa performance ng mga Gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa pahayag ng Pangulo, bagama’t mayroong iniindang sakit si Año simula pa noong pandemic ay payag ito na manatili siya puwesto.
Dagdag pa ni Castro na kumbinsido si Pangulong Marcos na maaaring ipagpatuloy ni Año ang kanyang tungkulin hanggang kakayanin ng kanyang kalusugan.
“Ayon sa ating Pangulo, and I quote “Secretary Año has been having to deal with health issues eversince the time of the pandemic. However, he has kindly agreed to stay on in the NSC as he feels,” sinabi pa ni Castro.
Si Año ay isa sa mga dating gabinete ng Duterte administration na kinuha rin ng Pangulo para magsilbi sa NSC sa kasalukuyang administrasyon.
- Latest
















