Helicopter hindi fighter planes sa AFP
MANILA, Philippines - Helicopter at hindi mga fighter planes ang kailangan ng Pilipinas para hindi na maulit ang pagkamatay ng pitong miyembro ng Marines sa Sulu, dalawa sa kanila ay pinugutan ng ulo.
Inihahanda na ni House Committee on National Defense chairman Rep. Rodolfo Biazon ang isang panukala para mapalawig ang AFP Modernization Law ng 15 taon pa. Si Biazon, ang may akda ng unang AFP Modernization law.
“The first five years should be focused on addressing our internal security concern para yung nangyari sa Sulu yung sa mga Marines ay hindi maulit. Ano ang kailangan natin dyan, kasangkapan so bibigyan ko kayo ng ehemplo kailangan ba natin ng fighter aircraft o helicopter? Helicopter ang kailangan natin. Transport ang kailangan natin,” ani Biazon.
Sa kasalukuyan ay wala pa umanong 10 ang operational helicopter ng AFP para sa buong Pilipinas.
Ayon kay Biazon, mahalaga umano ang mga helicopter upang mabilis ang maging troop movement ng AFP na mahalaga sa kanilang operasyon hindi lamang sa paglipad ng mga suplay kundi ang paglikas ng mga nasugatan o biktima ng sagupaan ng mga kalaban ng gobyerno.
- Latest
- Trending