^

Bansa

2 bullet train sa China nagsalpukan: 35 patay!

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Inaalam na ng Department of Foreign Affairs (DFA)  kung may Pinoy na kabilang sa mga naging biktima nang magbanggaan ang dalawang bullet train hanggang sa mahulog ang dalawang carriages nito sanhi ng pagkasawi ng may 35 katao at pagkasugat ng daang iba pa sa eastern China, kamakalawa. 

Base sa report na nakarating sa DFA, dakong alas-8:30 ng gabi, oras sa China, habang mabilis na tinatahak ng isang high-speed train ang kahabaan ng Wenzhou city mula sa  Zhejiang, ang provincial capital ng Hangzhou nang bumangga sa isa pang nadiskaril na tren.

Ang insidente ay naganap sa isang tulay sa Wenzhou matapos na ang unang tren ay mawalan ng power bunga ng biglang lightning strike o pagkislap sa riles hanggang sa ang sumusunod na tren ay sumalpok dito.

Umaabot naman sa 200 katao ang iniulat na nasugatan at ginagamot sa iba’t ibang ospital bunsod sa insidente.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Chinese authorities sa insidente.  

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

HANGZHOU

INAALAM

INSIDENTE

PATULOY

PINOY

UMAABOT

WENZHOU

ZHEJIANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with