^

Bansa

Xi Jinping, inaasahang dadalo sa ASEAN Summit

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Xi Jinping, inaasahang dadalo sa ASEAN Summit
Could Xi come to Manila? Palace says visit could help settle tension Chinese President Xi Jinping attends a welcoming ceremony held for the visit of Germany’s President Frank-Walter Steinmeier outside the Great Hall of the People in Beijing on October 30, 2026.
Kai Naito / pool via AFP

MANILA, Philippines — Umaasa ang Malacañang na dadalo si Chinese President Xi Jinping sa ASEAN Summit upang mapag-usapan ang mga isyu sa pagitan ng Pilipinas, China, at iba pang bansa sa rehiyon.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mahalagang pagkakataon ang summit upang talakayin at maayos ang mga usaping kinahaharap ng mga bansa sa ASEAN.

Wala namang ibinigay na detalye si Castro kung personal na inimbitahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Xi na dumalo sa ASEAN Summit.

Matatandaang sinabi ng Pangulo sa kanyang pagbisita sa China noong Enero 2023 na inimbitahan niya si Xi na bumisita sa Pilipinas.

Tiniyak din ng Malacañang na hindi makakaapekto sa pagdalo ng mga lider ang mga naging pahayag ka­makailan ng China, habang patuloy na nakikipag-ugna­yan ang Pilipinas sa mga bansang lalahok sa pagtitipon.

Matatandaang inakusahan ni Zhang Xiaogang, tagapagsalita ng Ministry of National Defense ng China, ang Pilipinas na umano’y sinisira ang diwa ng pagkakaisa ng ASEAN.

Nakatakdang idaos sa Pilipinas ang ASEAN Summit sa Nobyembre 16 hanggang 18, 2026.

ASEAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with