Simbahang Katoliko may bersiyon din ng SONA sa Lunes
MANILA, Philippines - Sasabayan ng pagkilos at sariling SONA o State of the Soul Nation Address ng simbahang Katoliko ang State of the Nation Address sa Lunes ni Pangulong Aquino.Ito ay layon namang ipaglaban pa rin ang pagkontra sa Reproductive Health bill.
Sinabi kahapon ni Atty. Jo Imbong, legal counsel ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na sa Lunes dakong alas-9 ng umaga ay isang misa ang idaraos sa Sanctuario de San Jose sa San Juan City.
Susundan naman ng pagmamartsa na binansagang Jericho March patungong Club Filipino kung saan naman ihahayag ang State of the Soul of the Nation Address.
Ayon pa kay Imbong, tatalakayin sa nasabing talumpati ang mga isyung moral na kinakaharap ng bansa.
Libu-libo ang inaasahang makikisa sa nasabing aktibidad na lalahukan ng mga estudyante, Catholic groups at deboto mula sa ibang pananampalataya at Muslim religion.
Kasabay nito ay inilunsad din kahapon sa isang pulong balitaan ng CBCP ang kanilang bagong kampanya kontra sa RH Bill at iyon ay ang paggamit sa aral ni Dr. Jose Rizal tungkol sa mga kabataan.
Ilan lamang sa mga bagong slogan na inilahad ng CBCP ay ang “Papatayin mo ba ang pag-asa ng bayan, ang kabataan?” at “Sa RH Bill, ‘patay kang bata ka’.
- Latest
- Trending