^

Bansa

Recom walang utang - GSIS

-

MANILA, Philippines - Inamin ni Government Service Insurance System (GSIS) Chairman Daniel Lacson, Jr. na kasaluku­yang may nagaganap na pag-uusap sa pagitan ng kanilang tanggapan at ng lokal na pamahalaan ng Caloocan City hinggil sa “reconciliation” ng mga records at patuloy din ang pagbabayad ng lokal na pamahalaan sa employees’ contribution.

Sa panayam kay Lacson ng Dateline Philippines ng ANC, inamin nito na kasalukuyang nakikipag-usap ang tanggapan ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa kanila upang maayos ang listahan ng mga miyembro ng GSIS na empleyado ng city hall.

Inamin din nito na nagkaroon ng problema ang kanilang “computer data system” dahilan upang magulo ang kanilang listahan at kaya nagkakaroon ng reconciliation ay upang agad na maayos ang kanilang datus.

Aniya, hindi lamang sa Caloocan nagkakaroon ng problema ang kanilang mga datus kundi maging sa iba pang lungsod at tinukoy din nito na kaya umano lumaki ng sobra ang sinasabing kulang ng administrasyon ni Echiverri ay dahil tumaas na ito dahil sa interest na hanggang sa kasalukuyan ay kuwestiyunable pa rin ang halaga.

Tama rin umano ang naging rason ni Echiverri sa mga paliwanag nito sa media dahil nagbabayad ang lokal ng pamahalaan ng employees’ contribution sa GSIS hanggang 2011 at buwan-buwan ay nagbibigay ito ng monthly contribution para sa mga empleyado.

“To be fair to the mayor (Echiverri), he voluntarily went to the office to fix the problem since his concern is his employees. We had a long talk in the office and started way back in November last year”, sabi pa ni Lacson.

ANIYA

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

CHAIRMAN DANIEL LACSON

DATELINE PHILIPPINES

ECHIVERRI

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

INAMIN

LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with