^

Bansa

329,904 katao apektado ni Falcon

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Lumobo na sa 329,904 katao ang apektado ng pananalasa ng bagyong Falcon sa 220 barangay, 27 bayan at 14 lungsod sa National Capital Region, Central Luzon, Southern Tagalog at Bicol Region.

Sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos na sa nasabing bilang ay 15, 621 pamilya o 75,150 katao ang kinakanlong sa may 76 evacuations centers sa mga apektadong lugar.

Samantala 15 katao ang nawawala na kinilalang sina Fedelito Muana, Jr., 14, Olongapo City; Rosa Belga Ordan, 54, Ligao City; Antonio Avila Bailon, 40, Catanduanes; Jason Balingit, 16, Catanduanes; Pedro Balingit, 37, Catanduanes; Nestor Tapit Mandasoc, 53, Catanduanes; Jonsy Rodriguez, Catanduanes; Denver Sta. Ines, 2, Catanduanes; Paquito Tabios, 40, Catanduanes; Joselito de los Santos, 39, Camarines Norte; Rolando Sarmiento Tabios, 30, Catanduanes; Joey Mendoza, 20, Camarines Norte; Jenan Mendoza, 18, Camarines Norte; Vicente Rodriguez Tapit, 40, Catanduanes; at Angelica S. Recome, 3, ng Rizal.

Sugatan naman si Lily Rose Cesista na biktima ng buhawi sa New Manila, Quezon City noong Biyernes.

Iniulat rin ang pana­nalasa ng buhawi sa Brgy. Guintas, Barotac Nuevo sa Iloilo na bahagyang ikinapinsala ng 24 kabahayan habang 25 pa ang tuluyang nasira noong Biyernes din.

Naitala naman sa P1.9 milyon ang pinsala sa agrikultura at imprastraktura kung saan sa Central Luzon pa lamang ay nasa P5,210,940.

Samantala dahil sa malalakas na mga pag-ulan sa watershed ng Ipo Dam ay tatlo na ang binuksang spillway gates upang magpakawala ng tubig.

Sa Marikina City ay mahigit sa 25,000 residente na ang inilikas bunga ng pagtaas ng tubig sa Marikina River.

Patuloy naman ang pamamahagi ng relief goods sa mga residenteng apektado ng kalamidad.

ANGELICA S

ANTONIO AVILA BAILON

BAROTAC NUEVO

BICOL REGION

BIYERNES

CAMARINES NORTE

CATANDUANES

CENTRAL LUZON

DENVER STA

EXECUTIVE DIRECTOR BENITO RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with