PPP kailangan kontra kahirapan, kawalan ng tahanan - PNoy
MANILA, Philippines - Kinilala ni Pangulong Noynoy Aquino ang kahalagahan ng public-private partnership (PPP) sa pagresolba sa problema ng bansa sa kahirapan at kawalan ng tahanan ng taumbayan.
Ang pahayag ay sinabi ng Pangulong Aquino nang maging guest of honor sa ginawang paglulunsad ng Gawad Kalinga’s Enchanted Farm sa Angat, Bulacan na kasalukuyang ititinatayo para sa tumataas na bilang ng mga Pilipino at maging lugar para sa bagong henerasyon ng mga social entrepreneurs.
Ang proyekto ay bahagi ng mga proyektong nakatala sa ilalim ng GK Center for Social Innovation (GK CSI) na naitayo para sa konseptong Bayanihan Economics.
Ang GK CSI ang lilikha ng mga gawang Pilipino na mababa lamang ang halaga pero de kalidad na produkto sa pamamagitan ng paggamit ng mga Philippine-grown ingredients na tutulong na mapasigla ang kabuhayan ng mahihirap na mamamayan.
Layunin ng proyektong ito na makatulong na gawing ang kalahati ng bilang ng mga Pilipino sa pagnenegosyo sa susunod na limang taon at aayuda sa mga mahihirap na komunidad na malinang ang kaalaman, kasanayan tungo sa pag-unlad.
Pinasalamatan naman ng Pangulo ang Gawad Kalinga sa pagkakaroon ng ganitong programang “bayanihan” na handang tumulong sa taumbayan na walang kapalit at layunin lamang na matulungan na maisulong ang kabuhayan ng maraming mamamayan laluna ang kapakanan ng mahihirap at mabigyan ng tahanan at sapat na pagkain ang mga nagugutom.
- Latest
- Trending