^

Bansa

Chinese national na sabit sa smuggling ng black corals lumayas na ng Pilipinas

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Nakalabas na ng bansa ang Chinese national na sinasabing nasa likod ng tangkang pagpupuslit  ng black corals at iba pang yamang dagat mula sa Moro Gulf na tinata­yang nasa P35 milyon.

Inihayag ni Senate Sergeant-At-Arms Jose Ba­lajadia sa pagpapatuloy ng pagdinig kahapon ng Sena­te committee on environment and natural resour­ces na pinamumunuan ni Senator Juan Miguel Zubiri, na lumabas ng bansa patungong Hong Kong no­ong Hunyo 7 si Li Yu Ming na kilala rin sa alias na Joe Pring, isang araw lamang matapos ipag-utos ng Senado ang pag-aresto sa kanya at  sa asawa nito  noong Hunyo 8.

Mula sa Zamboanga ay nagtungo umano si  Li Yu Ming sa Maynila noong Hunyo 7 dakong ala-1:45 ng hapon at may connecting flight patu­ngong Hong Kong dakong alas-7:10 ng gabi.

Hindi naman  kasama sa manifesto ang asawa ni Ming na isang Olivia Li o Olivia Lim pero nabigo rin ang grupo ni Balajadia na maaresto ito.

Kaugnay nito, nais  ni Senate President Juan Ponce Enrile na maghain ng extradition case ang gobyerno upang mapa­balik sa bansa ang mga pinaghihinalaang smugglers ng black corals.

Ayon kay Enrile mahalagang maibalik sa bansa ang mag-asawa upang maipakita sa lahat na seryoso ang gobyerno sa pagpapatupad ng batas.   

HONG KONG

HUNYO

JOE PRING

LI YU MING

MORO GULF

OLIVIA LI

OLIVIA LIM

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with