Globe Asiatique prexy pinakakasuhan ng DOJ
MANILA, Philippines - Iniutos ng Deparment of Justice (DOJ) ang pagsasampa sa korte ng mga kasong kriminal laban sa pangulo ng kontrobersiyal na Globe Asiatique Realty Holdings Corporation (GA) kaugnay sa diumano’y mapanlokong pagbebenta ng mga bahay at lupa.
Ito’y kasunod ng pagbasura ng DOJ sa inihaing motion for reconsideration ni GA president Delfin Lee na ibasura ang inihaing kaso laban sa kaniya hinggil sa alegasyong ‘double sale’ o muling pagbebenta ng house and lot sa kabila ng may nauna nang nakabili.
Sa 5-pahinang resolusyon na inaprubahan ni Justice Secretary Leila De Lima, hindi nito pinagbigyan ang kahilingan ni Lee na mabaligtad ang kautusan ng DOJ na nagdidiin sa kaniya sa paglabag sa “The Subdivision and Condominium Buyers Protective Decree” o Presidential Decree No. 957, na nagre-regulate sa real estate trade and business at pagpapatupad ng mga penalties sa fraudulent practices.
May probisyon din sa batas na nagsasabing: “the subdivision developer should initiate the organization of a Homeowners Association (HOA) among the buyers and residents of the housing project to promote and protect their mutual interest and assist in their community development.”
Kabilang din sa probisyon na ang subdivision lot/housing unit ay makakapasa sa minimum design standards, may balidong titulo at ang developer ay may financial capacity na makumpleto ang proyekto.
Una nang inatasan ng DOJ ang Pasig City Prosecutor’s Office na ipagharap na ng demanda ang nasabing kumpanya kaugnay sa double selling ng unit, sa reklamo ng isang Mailene Coloma, na nakabili noong Oktubre 2004 ng Lot 19, Block 20, Phase 1 sa Sta. Barbara Villas II , Barangay Silangan, San Mateo, Rizal sa halagang P650,000.
- Latest
- Trending