^

Bansa

Hirit na manual recount ng natalong kandidato tinawanan

-

Manila, Philippines - Tinawanan lamang kahapon ng kampo ni incumbent Marikina Mayor Del de Guzman ang inihain na manual recount ng isang natalong kandidato noong nakaraang eleksyon.          

Ayon kay Marikina Vice Mayor Jose Fabian Cadiz, si de Guzman na kandidato ng Liberal Party, ay nakakuha ng 101,495 boto habang ang nakalaban nitong si Alfredo Cheng ay may 16,035 na boto o 85,460 na lamang si de Guzman.

Ayon sa opisyal na resulta ng Commission on Elections noong nakaraaang Mayo 2010 elections, si Cheng ay pumangatlo lamang sa apat ng kumandidato sa pagka-alkalde sa Marikina.

Ang kaalyado ni da­ting Mayor Bayani Fernando at ng kanyang asawang si Marides, na si dating Vice Mayor Ma­rion Andres ay puma­ngalawa na nakakuha ng 35,162 na boto at ang pumanghuli ay si John Alexander Chong ay nakakuha ng 306 boto.

“Sa milya-milyang layo ng lamang ni Mayor de Guzman, kataka-taka naman si Cheng pa ang magpo-protesta samantalang si Andres na puma­ngalawa ay nag-concede matapos ang eleksyon,” paliwanag naman ni City Administrator Victoriano Sabiniano.

Umaasa din Sabiniano na ibabasura lamang ng Comelec ang protesta ni Cheng sapagkat malinis at credible umano ang naging halalan sa Marikina noong isang taon.

ALFREDO CHENG

ANDRES

AYON

CITY ADMINISTRATOR VICTORIANO SABINIANO

GUZMAN

JOHN ALEXANDER CHONG

LIBERAL PARTY

MARIKINA MAYOR DEL

MARIKINA VICE MAYOR JOSE FABIAN CADIZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with