^

Bansa

6 gusali ng DepEd guguho sa lindol

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Posible umanong gumuho ang anim na gusali ng Department of Education (DepEd) sa Pasig City kapag nagkaroon ng malakas na lindol sa bansa makaraang makitaan ng pagkakaroon ng problema na tinawag na ‘falling hazard’.

Sa earthquake at fire drill sa mga empleyado ng DepEd Central Office noong Lunes, inamin ni Engineer Oliver Hernandez, pinuno ng DepEd Physical Facilities and Schools Engineering Division (PFSED) na peligroso ang Rizal 1 at Rizal 2 building, Bonifacio at Mabini building at Dorm E at Dorm D building.

Kabilang sa mga kinakitaan na ‘falling hazard’ ang gusali kung saan nag-oopisina si Education Secretary Armin Luistro at iba pang matataas na opisyal ng DepEd.

Ang kalihim at mga undersecretary nito ay nag-oopisina sa Rizal 1 building na sinasabing mahigit sa 40 taon na, o naitayo noong nagsisimula pa lamang umupo sa puwesto ang dating Pangulong Marcos.

Dahil sa katandaan ay hindi na umano makita ang plano sa pagpapatayo sa nabanggit na mga gusali para mabatid ang tibay nito lalo na ang mga pundasyon.

CENTRAL OFFICE

DEPARTMENT OF EDUCATION

DORM D

DORM E

EDUCATION SECRETARY ARMIN LUISTRO

ENGINEER OLIVER HERNANDEZ

PANGULONG MARCOS

PASIG CITY

PHYSICAL FACILITIES AND SCHOOLS ENGINEERING DIVISION

RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with