Tripulante ng USS Carl Vinson dadaong sa Caloocan
MANILA, Philippines - Bibisita sa Caloocan City ang mga tripulante ng USS Carl Vinson upang magsagawa ng United States Agency for International Development (USAID) na pangungunahan ng kanilang mission director na si Gloria Steele.
Ayon kay Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri, magtutungo ang mga kinatawan ng USS Carl Vinson sa naturang lungsod sa Martes (May 17) kung saan ay magkakaroon ng programa sa Garlic Covered Court at Ana Health Center na matatagpuan sa Barangay 28.
Aniya, layunin ng gagawing USAID na mapinturahan ang Ana Health Center at makapagbigay ng ilang kagamitan sa limang barangay sa lungsod na binibigyan ng serbisyo ng naturang health center kasabay na rin ng pagbibigay ng information campaign tungkol sa TB DOTS “cough manners”.
Matapos ito, magtutungo naman ang tropa ng USS Carl Vinson sa Garlic Covered Court kung saan ay magkakaroon ng isang basketball exhibition game sa pagitan ng US servicemen at ng mga residente.
- Latest
- Trending