P22 Cola kulang pa sa pamasahe
Manila, Philippines - Balewala rin ang P22 dagdag sa cost of living allowance (COLA) na ibinigay ng regional wage board sa mga empleyado sa Metro Manila dahil kulang pa itong ipantapat sa pamasahe pa lamang.
Ito ang sinabi kahapon ni Senator Manny Villar, chairman ng Senate Comittee on Economic Affairs matapos matuklasan na 9.9 porsiyento ng sinasahod ng isang empleyado ay napupunta lamang sa pamasahe araw-araw.
Ayon kay Villar, mas dapat ay ibinigay na lamang ang P125 legislated wage increase upang maramdaman ng mga manggagawa ang increase sa sahod.
Tumaas na aniya ang pamasahe sa jeep, taxi , bus at tren, kaya kulang pa ang P22 COLA sa mga mangaggawang sumasahod ng minimum.
Matapos aprubahan ng LTFRB ang dagdag pasahe sa Metro Rail Transit at Light Rail transit, magkakaroon rin ng adjustment sa boarding fee ng MRT na magiging P11 at karagdagang P1 kada istasyon.
Sa LRT-1 magiging P30 na ang pasahe mula Baclaran hanggang Roosevelt at sa LRT-3, P25 na ang Recto hanggang Santolan.
- Latest
- Trending