Kaso ng dengue tumataas
MANILA, Philippines - Nababahala ang Department of Health (DOH) sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa kung saan sa loob lamang ng isang linggo ay nakapagtala ang Kagawaran ng 1,657 bagong kaso na 10 dito ay nauwi sa kamatayan.
Sa pinakahuling Disease Surveillance Report ng DOH National Epidemiology Center (NEC), mula Enero hanggang Abril 9, 2011 lamang ay umabot na sa 18,885 ang mga kaso ng dengue. Mula sa mga ito ay 115 ang namatay. Mas mataas ito kumpara sa naitala nilang kaso mula Enero 1 hanggang Abril 9 noong nakaraang taon na umabot lamang sa 17,945.
Karamihan pa rin sa mga kaso ay nagmula sa National Capital Region (29.8%), Region III (18.96%) at Region IV-A (16.91%).
Kabilang sa mga biktima ay may edad na wala pang isang buwang hanggang 89 taong gulang, patunay na walang pinipiling edad ang sakit. Ang median age ay 13 taong gulang. Karamihan pa rin sa mga nagkakasakit ay mga lalak.
- Latest
- Trending















