^

Bansa

Andal Sr. 'nagsasakit-sakitan' - Mangudadatu

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Kinuwestiyon ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu ang hiling sa Quezon City Regional Trial Court Branch 221 ng kampo ni Andal Ampatuan Sr. para magpa-confine sa pagamutan na umano’y paraan lamang umano nito upang makaiwas sa “arraignment” ng patung-patong na kasong kriminal kaugnay ng Maguindanao massacre.

Sinabi ni Atty. Nena Santos, abogado ni Ma­ngu­dadatu, na magsusu­mite sila ng mosyon para kontrahin ang naturang petisyon. Nakatanggap umano sila ng impormasyon na umaarte lamang ang matandang Ampatuan para makaiwas sa pagbasa sa kanya ng sakdal.

Matatandaan na nag­sampa ng mosyon sa sala ni Judge Jocelyn Solis-Reyes si Andal Sr. ng mos­yon para maipadala at ma-confine sa pagamutan dahil sa matinding sakit na nararamdaman umano sa kanang hita at paa na maaaring epekto raw ng bumabalik niyang sakit sa “prostate”.

Kung pagbibigyan umano ng korte na maeksamin sa pagamutan ito, aayon sila sa kautusan ng korte ngunit mahigpit silang magbabantay upang matiyak na hindi lamang ito paraan para makatakas sa pagharap sa kaso.          

Nagpahayag naman ng pagkadismaya si Ma­ngudadatu sa patuloy na pagkabinbin ng pagbasa ng sakdal sa natitirang mga pangunahing mga akusado dahil sa paulit-ulit na pagsasampa ng mos­yon ng mga abogado ng mga Ampatuan.

Sa anim na miyembro ng pamilya Ampatuan na nakaditine sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, tanging si Andal Jr. pa lamang ang nababasahan ng sakdal dahil sa personal na pamumuno sa higit 100 armadong lalaki sa pagpaslang sa 57 katao kabilang ang maraming miyembro ng media.

Sa 195 akusado, nasa 54 pa lamang ang nababasahan ng sakdal kabilang ang pinakabagong isinalang sa “arraignment” na si Missuari Ampatuan kahapon na binigyan ng “not guilty plea” ng korte dahil sa pagtanggi na magbigay ng sarili niya.

AMPATUAN

ANDAL AMPATUAN SR.

ANDAL JR.

ANDAL SR.

CAMP BAGONG DIWA

JUDGE JOCELYN SOLIS-REYES

MAGUINDANAO GOVERNOR ESMAEL MANGUDADATU

MISSUARI AMPATUAN

NENA SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with