^

Bansa

Dengue tuloy sa paglobo

- Ni Ludy Bermudo -

Manila, Philippines - Naungusan na ngayong taon ang rekord ng mga kaso ng dengue sa bansa noong nakalipas na taon.

Sa pinakahuling ulat ng Disease Surveillance Report at National Epidemiology Center (NEC) ng Department of Health (DOH) lumilitaw na mula Enero 1 hanggang Abril 2, 2011 ay umaabot na sa 17,228 ang naitalang dengue cases sa bansa at nasa 105 katao na ang nasawi.

Kumpara sa nakalipas na taon sa kaparehong petsa, nasa 17, 172 lamang o tumaas ngayong taon ng 33 porsyento.

Lamang pa rin ang bilang na naitala sa National Capital Region (28.1%), Region III (18.9%) at Region IV-A (17.5%).

Sa kabila ng mas pina­igting na kampanya ng DOH laban sa dengue ay patuloy pa itong lumolobo bunga na rin umano ng pagbabago ng panahon.

ABRIL

DEPARTMENT OF HEALTH

DISEASE SURVEILLANCE REPORT

ENERO

KUMPARA

LAMANG

NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONAL EPIDEMIOLOGY CENTER

NAUNGUSAN

TAON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with