Solon binira ng 'Sugpo'
MANILA, Philippines - Binatikos ng isang lokal na samahan ng mga maralitang taga-lungsod si Zambales Rep. Mitos Magsaysay, dahil matapos umano nitong kontrahin sa Kongreso ang conditional cash transfer program ng administrasyong P-Noy para sa mahihirap na sector ay nakikisawsaw ito ngayon sa pagpapatupad sa proyekto na isinasagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Tinawag ni Sugpo spokesperson Rosario Padernal si Magsaysay na “doble-kara” dahil todo daw ang suporta ng mambabatas nang simulang ipatupad ang conditional cash transfer program sa ilalim ng pamahalaang Arroyo nguni’t ng ipasiyang ipagpapatuloy ito ng Aquino administration ay naging pangit na ito sa paningin ni Magsaysay at isa umano itong uri ng pangungunsinti at pamimigay ng limos.
Pinatunayan naman ni Perla Ramos, isa sa mga beneficiaries ng Urban Poor Basic Delivery Program ng DSWD, madalas nandoon si Magsaysay o di kaya ay kanyang staff sa tuwing nagpapamahagi ng cash donations ang DSWD sa Olongapo na sinimulan noong isang linggo.
Si Magsaysay ay kabilang sa mga kongresistang nasa likod ng isang manifesto kontra sa nasabing proyekto na “Pantawid Pamilyang Pilipino Program” o 4P’s.
- Latest
- Trending