^

Bansa

OFW kinagat ng ahas sa Saudi Arabia, todas

-

RIYADH: Isang 51-an­yos na manggagawang Pilipino ang namatay sa kagat ng ahas sa isang disyertong lugar sa Buraidah sa Saudi Arabia.

Sinasabi sa isang ulat ng Arab News na, ayon kay Welfare Officer Eduardo Mendoza ng Philippine Overseas Labour Office-Central Office, ginamot ang biktimang si Celso P. Magora noong Abril 7 sa Buraida Central Hospital pero namatay ito kinalaunan.

“Dahil isa itong kasong pampulisya, idinulog namin ito sa Nationals Section ng Philippine Embassy,” sabi ni Mendoza na nagdagdag na dapat ang employer ang magpauwi sa Pilipinas ng bangkay ng biktima.

Sinabi rin sa ulat na sina­bihan na ang pamilya ni Magora sa Tuguegarao City sa Cagayan sa Pilipinas ang hinggil sa kanyang pagkamatay.

Binanggit din ni Mendoza na, kung may problema ang employer ni Magora na Reemal Al-Sowahel Est. sa pagpapauwi sa labi nito, aakuin ng POLO ang responsibilidad.

Ayon naman kay Farhan Wathan Anezi, isang inhinyero na regional manager ng kumpanya sa Qassim, inaayos na ang mga papeles para maipadala sa Pilipinas ang bangkay ni Magora.

Binanggit pa niya na ginagawa ng kumpanya ang lahat ng makakaya nito para mapabilis ang lahat ng bagay.

Kababalik lang ni Magora sa Saudi Arabia pagkaraang magbakasyon sa Pilipinas nang manngyari ang insidente.

ARAB NEWS

BINANGGIT

BURAIDA CENTRAL HOSPITAL

CELSO P

FARHAN WATHAN ANEZI

MAGORA

MENDOZA

NATIONALS SECTION

PILIPINAS

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with